Thursday, January 13, 2011

Soulmate

( Nakita q lng ang story na i2 sa net. Mgnda ung story kya pinost q d2. Sna mgus2han nyo!)

-The Notebook
"Once you've find your soulmate, you'll never be able to love again"
My story begins in November 2004. I was still in junior year highschool at that time. I was in love with this girl since we were in Grade 4 and I continued to secretly love her. I was set to leave for States before Christmas and I know that when come back everything will never be the same. Two weeks before my flight there I met him. "Him" that I did'nt know what part will he play in my life.
Hindi ako magaling sa description kaya't kayo nalang ang bahalang mag-imagine. My name is Mark. 5"8 in height, maputi ako, normal built ang katawan, hindi masyadong payat hindi masyadong mataba. Syempre singkit po ang aking mata, may lahi po kasi kaming Chinese. Madalas akong napagkakamalang hapon, chinese or korean ng mga tao na hindi ako kilala. Kaya din ako napagkakamalan na ganun is because I also know the languages. Habulin ng girls at boys. ehem.. Hindi naman po sa pagmamayabang bata palang ako nakitaan na ako ng potential para mag artista.
Pumasok ako ng maaga that day. Naisipan ko lang ako kasi ung tipo ng tao na just go with the flow, ung unang maisipan un agad ang gagawin. Pagdating ko sa lobby ng school may nakita akong bago sa aking paningin. May tatlong Koreano na naka-upo sa bench sa lobby. Isang super tanda na, naisip ko ay tatay nila at ung dalawa medyo pang highschool pa ang dating. At first, I did not pay much attention on them kasi wala lang. Hindi ako ganun ka interested sa kanila at maraming tumatakbong bagay sa isip ko. Well, maimpluwensyang tao kasi ako sa aking paaralan. I was raised to be independent and extreme. Lumaki ako ng inaasahan ko lang ang aking sarili at konting tulong lang ang nanaggagaling from my family and friends.
After ng flag ceremony I saw that the Vice principal was walking towards the lobby para kausapin ung tatlong kimchi na naghihintay. To my suprise dun pala mag-aaral ung dalawa. Bagsak daw kasi dun sa school na pinaggalingan nila at binigyan na ng chance para lumipat ng maayos. Hindi naman sa tambakan kami ng mga bagsak, pero mabait lang talaga ang admin namin. Sabi nga "Help others by giving them a chance to helpthemselves". Kaya ayun ung isa sa 2nd year pumasok at ung isa naging classmate ko, third year na rin pala.
His name is John. He is very good looking. Ka height ko sya maputi din, pure korean. Parang ung nakikita mo na artista sa mga Koreanovela na palabas sa TV. Medyo built ung body nya. at hindi sya mabaho. In short for he's perfect in every way possible sa physical aspect. Ang favorite ko sa kanyan is ung nose and eyes nya. Napaka perfect. Pagpasok na pagpasok nya sa class nasa kanya na lahat ng attention. Hinabilin sya sa akin dahil hindi daw marunong mag Tagalog. English only lang daw. Since medyo ako lang ang consistent sa English sa section namin kaya ayun. Pero wala talaga akong paki-alam sa kanya nung una dahil marami akong iniisip sa acads at sa pag-alis ng Xmas papuntang States. In short hindi ko din sya na-asikaso. Hangang napabayaan ko na sya totally at sa nabarkada na sya dun sa isang group sa class.Though he attempted to showed me some friendly gestures hindi ko talaga sya magustuhan. Feeling ko mayabang sya at super hangin ng dating nya.
Dumating ang December then I went to my three week vacation sa States. I know that when i come back everything will change. December 23 na nun bumili ako ng gift para dun sa girl na mahal ko tapos nag-ka chat kami at sabi nya may bf na daw sya at 1 day lang sya niligawan. Gumuho ang mundo ko nung time na yun. (Ayaw ko na mag focus masyado sa part na ito basta un na un).
January, A New Year
Well nakabalik na ako sa Pinas from my US vacation.As expected everything has changed. Pakiramdaman at kutuban nalang ang naabutan ko. Pagbalik ko sa school una kong napansin si John. Kinausap ko sya and to my surprise marunong pala sya mag tagalong. Feeling ko niloko nya ako dati nung sinabi nya na he cant speak Filipino. Yun pala when my classmates told me everything that happened when I was gone, marunong pala ang kumag na mag tagalong since he was already living in the country for the past four years. Asar na asar ako sa kanya and as far as I can recall that was our first quarrel. Yes, hindi ko sya pinansin nun for one week dahil sa sobrang asar ko sa kanya.

After that week, humupa na rin ang galit ko sa kanya dahil hindi ko talaga sya ma-tiis. After that incident we became friends. Closer and closer everyday. Dumating ung araw na halos lagi nalang kami ung mag-kasama buong araw sa school at sabay gawin ang mga bagay-bagay kagaya ng assignments, kumain at kung ano-ano pa. Napachismis din kami nun na kami among my fellow students at sa mga faculty.
Prom Valentines Day 2005.
Prom day naming nun Feb 14, 2006. Valentines day. Days before the Prom nag-away kami kasi nagpapalakad sya dun sa senior na girl na gusto nyang ligawan at nagpapatulong sya sa akin. Gusto nya kasi na gumawa ako ng milagro para maisayaw nya ung girl sa prom. I immediately said "Shiro". Nakipag argue sya kasi bakit daw ung iba na humingi ng favor sa akin na gawan ko ng paraan ung date nila at ung kanya daw ayaw ko. Syempre at that time parang nararamdaman ko medyo nafafall na ako sa kanya. And nasasaktan ako. Syempre hindi ko sinabi sa kanya na ganun ang situation ko. Gumawa nalang ako ng paraan para magdahilan. Hangang sa dumating na ung prom night. At hindi talaga kami nag uusap. Nilapitan nya ako sa lobby pero ako na ang umiwas ng hotel and ako na rin ang umiwas. Umakyat ako sa room kasi naka-check in ako nun pero kahit saan ako mag punta nasusundan nya ako. Finally na-corner ako ng kumag sa elevator. Para kaming bata nun na nag lalaro ng hide and seek.
J: Ano ba, Ive already said sorry a lot of times already. Ganyan ka ba talaga?
M: What do you want me to do?
J: Forgive me.
M: Matagal ka ng forgiven.
J: Eh bakit hindi parin nartin ibalik ung dating tayo. Ung close tao.
M: Aba Malay ko sayu.
Biglang bumukas ung pinto ng elevator and ung mga admin pala sasakay dun sa lift. Buti nalang medyo decent ung nakita nilang scene hindi ung sweet or ung brutal na nagpapatayan kami. I stepped out pero naiwan sya sa loob ng elevator. Wala syang nagawa kasi naunahan ko sya at nagsara agad ung pinto. Nagkita nalang kami nung nasa table na kami. Nakipag palit ako sa isa sa table ng best friend ko. Ayun ok na. nung mga sumasayaw na, he then tried to initiate a conversation but umalis na ako. I can still remember na may State of Emergency nung prom namin na yun. Naging Ok din kami a few weeks later. Lagi naman kaming ganun away bati. Pero walang napagod sa amin sa ganung set-up parang mga bata lang talaga na naglalaro. But we make sure that we learn from our mistakes.
Pareho kaming nag grow sa relationship naming as friends. Dumating na nga dun sa point na inappropriate na ung acts na ginawa naming para sa magkaibigan.
Sa umaga bago mag start ang class after the flag ceremony magpapalit kami ng cellphone. Ewan ko kung bakit ganun pero payag naman kami pareho. Kakain kami sa isang cone ng ice cream sa isang plato sharing the same spoon and fork sa foodcourt ng mall. We don't care. Walang malisya sa amin yun. Alam ko na ung love na nararamdaman ko para sa kanya is walang puwang sa friendship namin. Kaya naman ako pilit ko itong ni-supress at tinago para sa hindi masira ang friendship namin.
Play (March-April)
A few weeks later magkakaroon daw ng school presentation para ma-promote ang school nun dahil in a few months mag-eenrollment nanaman. Pinasali kaming dalawa nung English teacher ko. Sa audition pagdating naming naka line kami ng tapos pumasok sa isansg room. Pagpasok we introduced ourselves sa mga hired directors at etc. Pinakanta kami at ang kinanta ko ay ang Natioanal Anthem at bahay kubo, tawa sya ng tawa nun sa akin at ako naman sa sobrang asar ko binatukan ko sya ng sobrang lakas. Si John ung tipo ng tao na mahaba ang patience sa akin, ung tipong kahit bugbugin ko sya hindi pa rin sya magagalit sa akin. Pero hindi ko naman yun inabuse. It was his turn to sing at that time.
P: What are you going to sing?
J: Masaya!
M: May ganung song ba?
J: Oo meron.
M: Since kalian pa?
J: Nung nasa states ka. Listen carefully, this is for you.
At that time wala akong alam about dun sa kanta kaya I was totally hanging and completely thoughless on how the song would be. He started singing it and as every words unfold it seems that ninanakawan ako ng hininga.
Ang pag-ibig, ganyan talaga. Ako'y nilamon ng pag-ibig, ganyan talaga, Masaya.
Tumatak sa isip ko yung mga lines nay un at I did'nt know what he means by what he said na that song is for me. After the audition we talked about it.
M: Weh, para saan ung kantang yun?
J: Hindi ba naka-relate ka. Alam ko kung anong nangyari sa inyo ni Camille. Bagay sa yo ung kanta. Kasi napaka sobra mo magmahal, wala kang tinitira sa sarili mo.
M: Weh, past is past and it should never be discussed.
Simula nung araw nay un, kapag nagkikita kami lagi nyang kinakanta yun sa akin or kapag may dala syang gitara sa break time un nalang palagi ang naririnig ko na kinakanta nya. Till one day I grew tired of it and hindi ko nalang sya kinausap. Natapos ang play at nagbakasyon almost a month hindi ko sya kinakausap at pinapansin. Until siguro one day sya na rin ang napagod. Summer has already begun. As far as I can remember Holy week na nun 2005 ng mag meet kami ulit. Prior na mag meet kami ulit, may text na ng text sa akin na hindi ko pinapansin. Hindi ako ung tipo ng tao na text ng text or ung tinatabi na ung phone sa pag tulog. Lumabas ako one night with my friends. Maundy thurday na yata nun and we all agreed to watch a play entitled "Jesus Christ Superstar". Nung naka-upo na kami ng mga friends ko bigla ko syang nakita. Parang nasira na ang araw ko nun kasi the last thing that I wanted to happen is ung magkita kami.
Nakita ko na nakita na nya kung saan ako naka-pwesto but hindi sya lumapit. Nakita ko na he's texting over his cellphone sa isip ko baka nag hihintay ng mga kasama nya manuod ng play. Then after a while before mag start ung play lumapit na sya, dun sya humito sa tapat ko at parang may tinatawagan. Naka-silent kasi ang phone ko nun, kinuha ko sya sa bulsa ko kasi I'll text my mom nab aka umagahin na ako ng uwi. To my surprise tumawag nanaman ung unknown no. na was texting me for quite sometime na. Sinagot ko sya. To my surprise boses nya ang narinig ko.
J: Andyan ka lang pala bakit hindi mo sinasagot ung mga text at tawag ko?
M: Hello, Sino po to?
J: Ito naman oh, tumingin ka sa harap mo makikita mo ako.
I dropped the call and walked out of the place. Hinabol nya pala ako at bago ako makasakay ng jeep papauwi ay naabutan nya ako. Then naganap na ang pinaka iniiwasan ko na confrontation.
J: Please naman, talk to me.
M: There's nothing to talk about.
J: Mweo? What do you mean there's nothing to talk about.
J: Stop acting like this. Nahihirapana na ako, What's the problem tell me!
Medyo sumisigaw na sya at pinagtitinginan na kami ng mga tao. Tumigil yata ang mundo nung time nay un. Lahat naka-focus sa amin. Parang ung usual na scene sa isang Koreanovela na Kim Sam Soon.
M: Let go of me.
J: Only if you promise to talk to me.
M: Ok.
J: Ok, Let's go to my house, we'll talk about this in there.
Dumating si John at a point in my life that I was so hurt and vulnerable. Hindi ko alam little by little nadedevelop nap ala ako sa kanya. We went to his house and talked things over. Walang nangyari, infact all through out wala nangyari sa amin kahit isang kiss. I respect that. But I am happy with everything that had happened. Dun ako natulog sa kanila that night. Tabi kami natulog and pag gising naming medyo magkayakap na kami. Hindi namin binigyan ng malisya ung nagyaring un kasi hindi nga naman kami malisyoso. Bit by bit I know that a day will come that I cant deny my heart's will anymore.
Nung dumating ang May ng year nay un, nagging busy na ako kasi kinakailangan kong mag review for my Upcat at nawalan na ako ng time sa kanya at sya rin naman sa akin. Hindi naman ako nag worry kasi alam ko safe sya at may tiwala ako sa kanya. May 16 nun at nasa province ako kasi fiesta. Iniwan ko ung phone ko sa car and nung nakita ko may dalawa akong message galing sa kanya.
Message 1:
Hi! Just wanted to let you know that I miss you so much naalala kita.. Ingat ka dyan.
Message 2:
Never say nalimutan kita kasi para sa akin special ka, never say wala akong pakielam kasi im wondering kung ok ka and never say hindi kita miss kasi sa mga oras na to iniisip kita.
Sabi ko sa sarili ko nung nabasa ko ung mga messages nya baka nag-dradrama nanaman sya.
May isang event nitong year na ito na sobrang hindi ko makakalimutan, minsan nag away kami dahil sa hindi lang naming mapagkasunduan kung anong oras kami uuwi at ang kinalabasan ay total disaster. As in, pumasok sya sa isang classroom at nagwala dun. Naghagis ng upuan, nag basag ng salamin at sinira ung pintuan. Hindi ko malimutan yun kasi na-culture shock ako nung time na un. Hindi ko alam na ganun pala ka-violent ang mga Koreans.
June (Senior Year)
Dumating na ulit ang pasukan at we all know that our lives are going to be busy now dahil graduating na kami from highschool at maraming requirements na kailngan matapos. I was looking for him nung first week ng pasukan. Pina-confirm ko kung nag enroll sya dahil one week na syang delay sa pagpasok. Akala ko umuwi lang sya ng Korea at na huli sa pagbalik sa Pinas. As days passed by I grew more and more worried about him. Hindi ko na maitago ito and I begun investigating on what happened to him. Hindi ako close sa barkada nya sa school but may isa sa kanila na nag lakas loon na mag-approach sa akin at ikwento ang mga pangayayari. Dun nalaman ko na may dalawang major na nangyari.
Lumayas pala siya sa bahay nila dahil nag-away sila ng dad nya. But before that mas nagulat ako sa nalaman ko. His friend told me that nung May 15, they went out to have a happy hour at a local night club kasi nga ung isa nilang kabarkada naka buntis daw and wanted to drink. Nag ka tuksuhan daw dahil nalaman nila na virgin pa pala si John nung time nay un. Ayun binigyan sya ng ka table at later on that night nag check in sila sa isang motel beside the club. At first I never wanted to believe everything that I was hearing. Ang hirap paniwalaan ng mga sinabi nya but he has evidence to prove it. Inaamin ko nasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang nasaktan ako. Nag echo ung sakit sa lahat ng sulok ng katawan at kaluluwa ko. Bigla kong naisip ung date ng text nya was May 16 ng umaga. Pilit kinoconnect ng isip ko ang mga bagay bagay hangat sa makakaya ko pero wala eh. Sa pagpupumilit kong magisip feeling ko may nakalagay sa utak ko na "CLOSED" sign.
Kaya pala sila nag-away ng daddy nya isa because nalaman ung kalokohan na ginagawa nya. Nagsumbong ung katulong nila dahil hindi lang pala once kundi thrice ung pangyayari and what's worst is nag-uuwi sya sa bahay nila. At that time kasi umuwi ang parents nya sa Korea for a summer vacation so sila lang ng katulong ang naiwan sa bahay nila. I asked his friend kung nasaan sya dahil gusto ko talaga syang puntahan para sunduin, kausapin, tanungin, suntukin at higit sa lahat mahalin. Sabin g kaibigan nya nasa beach side daw si John at pabalik na. Akala ko na tapos na ang lahat ngunit hindi pa pala. Sabi nung friend nya umalis daw si John sa kanila na may dala-dalang almost 20,000 pesos na kinuha nya sa daddy nya para lalo daw magalit. At ayun sinabi nung friend nya na ubos na daw ang pera. Nagulat ako dahil knowing him sobrang tipid nya na tao kung ganon pa man paano nya mauubos that kind of amount. Si friend frankly told me that John used the money for drugs. His friend even said that kung ayaw ko maniwala, ipa-drugtest ko daw at tignan naming kung sino ang nagsasabi ng totoo.
Wala na, hinang hina na ako nung time nay un. Ung ears ko nagsara na ng kusa ung puso ko tumigil na sa pagtibok at ung isip ko ayaw ng magprocess ng mga information. Umalis nalang ako. Iyak, un naman palagi ang panandaliang solution naktin sa mga problema natin. The following week pumasok na sya, narinig ko Ok na daw ang lahat sa kanila at back to normal na daw. Pilit nanaman akong umiwas sa kanya, hindi ko alam kung bakit pero may nagsasabi sa sakin na kailangan kong umiwas. One day, we again had a confrontation. Pauwi na ako nun nung magkasalubong kami sa daan and He was looking at me smiling, nung nagkasalubong kami he said Hi and I snob him and walked right passed him. Hinabol nya ako.
J: I know we have a problem. But please I don't want to explain anything about it. I don't want talk about it.
M: You don't owe me any explanation. I don't care about any of the things that you did.
J: Stop being sarcastic.
M: I'm not being sarcastic.
J: Nasasaktan ako sa mga ginagawa mo sa akin, alam mo bay un?
M: Sakit? Alam mo pala yun. Ikaw may idea ka ba kung anong sakit ung binigay mo sa akin nung ginawa mo yung mga bagay nay un? Hindi ka man lang nagdalawang isip. Nag padala ka sa sulsol ng mga kaibigan mo.
J: Kasalanan mo kasi.
(My world stood still when I heard him say that). Wala ka nung kailangan kita. Asan ka nun? You were busy. kinalimutan mo ako, You left me alone. Hindi ka fair. Ikaw na nga lang ung strength ko tapos ni-iwan mo pa ako.
Nawindang ako sa mga narinig ko. Bakit biglang sa akin napunta ang blame. Wala akong kamalay-malay. Anga tagal bago ko na-absorb ung mga sinabi nya. Umalis sya tears started to fall. Bigla akong nanghina, hindi ako makahinga at some point parang naghyhyperventilate ako hangang sa hindi ko namalayan hinimatay na pala ako. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Hilong-hilo kasi ako nun. Nagising nalang ako nasa kwarto na nya ako.. Sya ung una kong nakita. Magkatabi kami sa kama nya. Umiiyak. He was crying na para bang patay na ako. He was holding my hands na sobrang higpit. I asked him what happened and He told me that nung papalayo na sya bigla syang may narinig na sumigaw na school mate namin asking for help dahil may nahimatay daw. He immediately went back to see what happened then nung nakita nya ako nagpanic sya ng husto. Hindi na nya ako binalik sa clinic but instead nag bigay sila ng first aid kit. Binuhat nya ako, tumawag sya ng taxi para magpahatid sa kanila. His mom attended to my needs. At till sa present situation un na nga ang nangyari. 9pm na pala nung nagising ako. Siguro sobrang pagod at stressed sa nangyari. He apologized sa mga nagawa nya atnasabi nya nung confrontation naming. Nasabi lang daw nya yun kasi nasan daw ba kasi ako nung kailngan kailngan nya ng kaibigan.
Uuwi na sana ako but he insisted na dun nalang ako matulog. Tumawag nalang ako sa bahay naming and nagdahilan na may project at practice na nandun kami sa bahay ng best friend ko. Before we went to sleep ni-kiss nya ung forehead ko, the he said "miyan ne" (sorry in Korean". Sinagot ko naman sya ng "guen chanayo".
Hindi ako nakatulog nung gabi nay un kasi alam ko that I cant no longer deny that I love him. Natutulog na sya at palihim akong nagnanakaw ng mga sulyap sa kanyang mukha. Pilit kong ni-rationalize ang mga nararamdaman ko para sa kanya at sinabi ko rin sa aking sarili na hindi nya pwedeng malaman na mahal ko sya. Straight sya at friendship lang ang maibibigay nya sa akin. Were best of friends sabi nga nila. I have concluded that night that Ill just keep my feelings to myself nalang. I don't want to risk destroying our friendship dahil lang sa isang pagmamahal na nararamdaman ko. Pinagpasa dyos ko nalang ang lahat.
Everything went back to normal after that incident. As usual nagging busy kami sa aming mga buhay. Time went by so fast na hindi naming namalayan na malapit nap ala kami mag-graduate. Naging close na sya sa family ko and ako naman sa family nya. Pumpunta sya sa bahay kapag weekend para mag-aral kami sa mga CET nya. Minsan naman ako ang pumupunta sa kanila. Konti nalang ang mga nagging away namin. Mga simpleng bagay na hindi ko alam kung bakit naming pinag-aawayan. Kagaya ng kung sasama ba sya sa inuman ng barkada, ung paglabas nya sa gabi, kung contact lens ba or eye glasses ang gagamitin nya, kung bakit gabi na ako kung umuwi minsan, kung anong ipapagupit nya at kung ano-ano pa. Even when nung nagka gf na sya walang nagbago sa amin. Mas worried pa nga yata sya sa akin kaysa sa gf nya. Buti at hindi nagseselos sa akin ung gf nya dahil ang alam nung gf nya na bestfriend kami. Pero walang nagtatagal na relationship sa kanya matagal na ung 2 months.
In silent I loved him. Every night tumatawag sya at exactly 9pm. Walang mintis yun kahit nasan sya. Sa baguio man o sa Korea or kung kahit nasan din ako. Minsan nakakatulog na kami ng magkausap sa phone. Hindi ko makakalimutan ung mga sweet moments naming dalawa. Kapag kumakain kami sa kahit saan man siguro 70% of the time sa iisang plato at spoon and fork lang ang gagamitin naming. Kapag kumakain kami ng ice cream sa cone iisa rin lang, hati kami sa lahat ng bagay, sa sandwich man o sa isang stick ng bbq. Everyday bago mag start ng classes nag we trade our cellphones, natatawa ako dun kasi ewan ko kung bakit gusto na ung cp nya ay nasa akin at ung cp ko nasa kanya. We even have a tshirt na paraho kami suot naming kapag may lakad kaming dalawa.
Marami pang nagyari samin nung last year naming sa HS. Kung ikwekwento ko pa, marahil ay nobela na ang kakalabasan nito. Ayun dumating ang araw n gaming pagtatapos. Naging maayos naman ang lahat at summer nanaman. His parents hired me to be their English instructor. Nung summer na yun halos dun na ako nakatira sa kanila. Hindi naman nagtataka ang mga tao sa bahay naming dahil alam naman nila ang situation ko. Tangap naman at walang tutol. Sa lahat ng lakad ng family nila kasama ako kahit hindi sya kasama ako lagging kasama. Naging Masaya ang summer nay un para sa lahat. Kahit sa bahay nila nag-aaway kami. Tagalog nga lang, para hindi maintindihan ng mga kamag-anak niya.
18th of April 2006
Naka schedule sya na umuwi ng Korea kinabukasan. Nung umaga sinamahan ko siya mamili ng mga pasalubong na iuuwi nya sa Korea. Naaasar ako kasi may katext sya the whole day. Tinananong ko sya kung sino sabi nya bago dawn yang nililigawan. Edi ako naman parang nasaktan ng wala syang kamalay-malay. Nung gabi na after naming mag dinner sa kanila nung naligo sya nagpa-alam na ako sa parents nya na mauunan na ako dahil gumagabi na. Hindi ako nagpaalam sa kanya at umalis nalng ako. Alam ko 21 days kaming hindi magkikita at parang hindi ko kaya tiisin yun pero sabi ko din sa sarili ko mabuti na yun i can take the time off para mag self-preservation na. Nagulat ako kasi nung nakasakay na ako ng jeep biglang may lalaking biglang sumakay sa jeep ung tipong tumalon nalang ng bigla. Sya pala. Sinabi pala nung kapatid nya na umalis na ako at nagpaalam nalang sa parents nila. Nung malaman nya bigla syang lumabas ng CR at hinabol ako.
J: So, it's just like that, Im leaving tomorrow tapos your like that. Aalis ng walang paalam.
M: Ayaw ko maiyak eh.
J: I'll just be gone for three weeks. I'll be back in no time. I gave you naman my contact no.s in Korea right. Baba na tayu let's talk.
Nagbayad sya ng jeep naming kahit isang kanto palang ung natatakbo ng jeep. Naglalakad na kami pabalik ng bahay nila then he started talking.
J: What's the problem? (May katext nanaman sya). Kanina ka pa ganyan ah. May ginawa nanaman ba ako?
M: Opseo. (None). (Marunong din kasi ako mag Korean kaya kapag nag-uusap kami minsan Korean ang sinasagot ko sa kanya.)
J: Jeongmal? (Really?)
M: Ne. (Yes!)
J: I don't believe you, I know you. What's the problem tell me?
Hindi na ako kumibo after nun. Hangang sa nakarating na kami sa gate nila sabi nya akyat nalang daw muna kami sa kwarto nya. Pagdating namin dun kinuha nya ung gitara niya tapos he started singing masaya. Na bored na ako after an hour or so. Sabi ko sa kanya uwi na me then he agreed and hated nya daw ako sa sakayan. Paglabas namin hindi nya ako pinasakay agad sa jeep we said our goodbyesa and take cares kasi nga aalis sya pero parang lutang ako nung time na un. Asar na asar sya at biglang uminit ang ulo.
J: Kanina ka pa ah. Nananadya ka ba? Badtrip ka.
M: Malay ko sayo. Tahimik na nga lang ako eh.
J: Anong malay ko sayu? Tae ka.
M: Ay bahala ka uuwi nalang ako.
J: Sige umuwi ka, hindi kita hahabulin.
- i started walking at nag abang na ako ng jeep pero hinabol na naman nya pala ako.
J: Ano ba kasing problema mo?
At this point medyo nagsisigawan na kami.
M: Tae ka! Gusto mo malaman?
J: Sige. Ako nanaman yan noh.
M : OO, ikaw wala ng iba.
J: Ano nanaman ba ang ginawa ko?
M: WALA!
J: Eh bakit ka nagkakaganyan. Wala naman pala. Umayos ka ah.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napasigaw nalang ako ng "Ikaw, Ikaw kasi, bakit ka ganyan, Mahal Kita!, I Love you!, Sarang Hae Yo!". Tumigil ang mundo naming. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Bigla nalang may lumipad na kamao at nasapak ako. Shit! Fuck hindi ako makapaniwala. First time ko masapak nun time nay un. Ganun pala ang feeling super sakit. At ang hindi ko matangap sa kanya pa nang galing. Nung sumunod na sinabi nya is super pinagisipan ko.
Ang sabi nya: "Eh putang ina mo pala, ang tagal na kitang nasasaktan hindi ka man lang nags sasabi!".
I cant believe what I heard. Parang hindi un ung inaasahan ko na marinig. Umalis na ako after nun at hindi nya ako hinabol. Umalis na sya kinabukasan at 21 days nga kaming nagkalayo. He tried calling me sa bahay and sa cellphone ko pero hindi ko sinagot. Kahit kapag nandun ako sa kanila his family even tried to give me the phone pero tumangi ako. Ayaw ko sya kausapin kasi may mga bagay na mas maganda kung sa personal pinag-uusapan. Basta ang pinapasabi nalang nya is ung araw ng return flight nya dapat daw andun ako sa kanila. Bumalik na sya galing Korea and nung gabi pumunta ako sa kanila.
Nung una walang kibuan but later and later we started talking and it seems like nothing happened. Namiss nya daw ako then he gave me his pasalubong. He bought me a book in Korean tapos may message sya na sinulat sa book. Sabi nya sa akin nung bago ako umuwi, "Don't worry, nothing will change. Friend parin tayu and thanks for loving me all this time kahit na nasasaktan ka nap ala".
Medyo gumaan ang loob ko pero nalungkot ako kasi alam ko from what he told me, walang love na nag hihintay para sa akin. Only friendship. Tangap ko. Masakit sa una pero ganun talaga. Be contented kung sa anong meron lang. Lumipas ang mga araw, nagkalayo na ang mga loob namin. Naging busy ako sa college at sya rin. He followed me kung saan ako nag-enroll at pati program ko ginaya nya rin. Kaso hindi effective eh. Nagkalayo parin kami. Namiss ko ung closeness namin, tumigil na din ung pagtawag nya ng 9pm at lahat. Nabalitaan ko nalang one day na may gf na daw sya na Korean. Nakita ko sila one day nung nakita nya ako bigla nyang kinalas ung pagkaka hhww nila ng gf nya. Ayun nagkalayo na nga ang loob naming ng unti-unti hanging sa nawala na after 1 academic year. Puro balita-balita nalang. Hindi ko rin ni try na itext or tawagan sya dahil ayaw ko na umiksena sa buhay nya.
Masakit hanging ngayon 2009 na. Sariwa parin sa akin ang lahat n gaming alaala. I have always believed na sya na ang soulmate ko. Pero sabi ko sa sarili ko, paano ko naman mapapatunayan ung claim ko na soulmate ko sya. Until the answer came one day. Nasa isang mall ako naglalakad-lakad may nicacanvass yata ako na cellphone nun. Nang biglang mag play sa ipod ko ung Masaya na song. Bigla ko syang naalala. Sabi ko kapag nakita ko sya before matapos ung kanta it means soulmate nga kami. I compute man natin ung probability na matupad ung hinihiling ko, it's a miracle talaga kung mangyari yun. Kasi ung time and place at ung dapat nab ago matapos ung kanta. Shit! It's very impossible. I continued browsing sa mga cellphone shop then naisip ko malapit na matapos ung kanta. Nawala na lahat ng hopes ko dahil napaka imposible nga naman nung hinihingi ko. Nung last line na nung song "Ang pag-ibig, ganyan talaga. Masaya". Exactly nung sinambit ung word na masaya. Andun sya he was walking towards me. Nakangiti. May isang luha na pumatak sa aking kaliwang mata at pinahid ko sya agad para hindi nya Makita. We said our hi's and nag merienda kami. Konting kwentuhan. I asked him kung anong ginagawa nya sa mall at sabi nya namimili sya ng gamit kasi he's going back to Korea for his military service. Nalungkot ako. Hangang sa nagkapaalaman na kami at sabi ko sa kanya nung huli. Iloveyou. Ingat ka dun.
When I got home,dun ko palang na-absorb lahat ng nagyari. Sabi ko sa sarili ko, soulmate nga talaga kami. Hindi naman kasi siguro ako paglalaruan ng pagkakataon. Chances are fate. We don't know what they hold for us. Basta tayu we just always go with the flow.
It's been 3 years na. Sya pa rin ang mahal ko. Walang nagbago. Wala na kaming communication but still my heart cant stop beating his name. I tried to enter into several relationships already but walang nagwowork. Sya pa rin ung hinahanap ko. Sabi ng isang prof ko, Kapag nakita mo na ung soulmate mo, hindi ka na maaring magmahal ulit kasi daw kapag umalis ung soulmate mo dala nya ung kalahati ng ikaw. Kalahati ng puso mo, ng pagkatao mo at ng kaluluwa mo. Hindi ka na buo. Marahil soulmate ko nga talga sya. Kung hindi man ako makapag mahal ulit Masaya na ako kasi naranasan ko na ung ultimate love ko. Sa buhay natin mayroon lamang tayung one big true ultimate love magmahal ka man ng iba sya parin ang hahanaphanapin at babalikan ng puso mo at the end of the day.

                                          = END=

0 comments:

Post a Comment